PNP UMAASANG MAY LULUTANG NA TESTIGO UPANG MABIGYANG HUSTISYA ANG NATAGPUANG BANGKAY NG ISANG BABAE NA HINIHINALANG GINAHASA MUNA BAGO PINATAY
Nanawagan ngayon ang pulisya sa mga posibleng testigo na maaaring makapagbigay linaw hinggil sa natagpuang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae na hinihinalang ginahasa muna bago pinatay
Natuklasan ang wala ng buhay na katawan ng nakatihayang biktima linggo ng umaga ng napadaang grupo ng mga bikers sa may bahagi ng Bicol National Park, sa tabi mismo ng Maharlika Highway Purok 5 Brgy. Tuaca, Basud, Camarines Norte
Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay PCINSP Rogelyn Calandria, Chief of Police ng Basud posible umanong nagahasa ang biktima dahil nakataas na ang damit nito at bahagyang nakababa naman ang pantalon
Batay daw sa pagsusuri ng PNP Scene of the Crime Operatives (SOCO) may dugo ang ari ng babae na nagpalakas sa hinala ng mga otoridad na biktima ito ng panggagahasa
Walang nakakakilalang mga residente sa lugar sa biktima kaya’t paniwala ng mga otoridad na posibleng itinapon lamang dito ang bangkay
Wala rin umanong bakas ng kaguluhan sa lugar kung saan mismo natagpuan ang katawan ng biktima
Pero lumalabas sa imbestigasyon ng mga pulis na dakong alas 8 sabado ng gabi ay mayroon daw napadaang kotse sa naturang lugar patungo sa direksiyon ng Naga City na nag- aaway ang mga sakay nito na isang lalake at babae
Kinakitaan ng marka ng pananakal sa leeg ang babae gamit ang kamay na posibleng naging sanhi umano ng kamatayan nito
Nananawagan naman si Calandria sa mga nawawalan ng kaanak na babae na magtungo lamang sa himpilan ng Basud PNP
Tinatayang edad 25- 35 anyos ang babae na may taas na 5- 5’2, maraming hikaw sa tainga at may brace ang ngipin
Sa ngayon ay nasa isang punerarya sa lugar ang biktima at sasailalim sa autopsy upang malaman kung nagahasa nga ang babae.- R. MOLINA (photo courtesy of BASUD PNP)
ENGLISH TRANSLATION
-----
PNP HOPES THAT WITNESSES WILL APPEAR TO GIVE JUSTICE TO A WOMAN WHO WAS FOUND RAPED AND MURDERED
The police is calling for possible witnesses who may give clues regarding the unidentified woman who was found raped and murdered.
The dead body of a victim was found by the group of bikers in part of Bicol National Park, near Maharlika Highway, District 5, Brgy. Tuaca, Basud, Camarines Norte[, Philippines] on Sunday morning [October 9, 2016].
According to the interview of Police Inspector Rogelyn Calandria, Chief of Police of Basud, by Brigada News FM Daet, the victim was possibly raped because her upper clothes were up and her pants were slightly down.
According to the examination by PNP Scene of the Crime Operatives (SOCO), the victim had blood on her genitals that strengthened the suspicion by the authorities that the victim was raped.
The residents of that place doesn't know that victim, so the authorities believed that her dead body was possibly dumped.
There were no signs of conflicts in the place where the body of a victim was found.
But based on the police investigation at around 8 PM on Saturday [October 8, 2016], there was a car approaching in that place going to Naga City that a man and a woman were fighting.
The woman had ligature marks on her neck using bare hands that possibly caused her death.
Calandria is calling for the relatives of missing women to go to Basud PNP station.
The woman was described as aged 25-25, 5"-5'2" high, several jewelries on her ears, and her teeth have braces.
As of now, the victim was brought to a funeral home to undergo autopsy to determine whether this woman was really raped.
-R. MOLINA (photo courtesy of BASUD PNP)