Chinese hinoldap na ginilitan pa
RTNews|July 31, 2012 12:47pm
GINILITAN sa leeg nang paulit-ulit ang isang Chinese national na babae nang holdapin ito ng dalawang hindi nakilalang suspek habang sakay ng kuliglig sa Binondo, Maynila kagabi.
Kinilala ni Sr. Insp.Joey de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na si Lirong Yang, 27, may-asawa, bussinesswoman, tubong Fujian, China at nanunuluyan sa 8-DCPC Bldg. 686 Sta.Elena St., Binondo, Maynila.
Sa report ni PO3 Rodel Benitez, imbestigador, dakong alas-11:15 kagabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Muele del Binondo, panulukan ng San Nicolas sts., ng nasabing lugar.
Nauna rito, sumakay umano ang biktima ng kuliglig (tricycle) upang bisitahin ang isang kaibigan sa Chinatown Steel Tower na matatagpuan sa Asuncion St., Binondo.
Pagsapit umano sa kahabaan ng Muelle del Binondo malapit sa Nicolas St., ay inihinto umano ng driver at kasama nito ang kuliglig sa isang bakanteng lugar na natatakpan naman ng dalawang nakaparadang sasakyan.
Dito na sinimulang limasin ang mga gamit ng biktima habang nakatutok sa kanya ang patalim.
Ngunit hindi pa nakuntento ang mga suspek at nilaslas pa ang leeg ng biktima at saka iniwan sa sementong kalsada.
Si Arnold Terceno, sekyu na naka-duty umano ilang metro ang layo mula sa pinangyarihan ng insidente ang nakapansing may komosyon.
Sinigawan ni Terceno ang mga suspek kaya mabilis na pinatakbo ang kanilang kuliglig at iniwan ang biktimang naghihingalo.
Hindi na nagawang maitakbo ni Terceno ang biktima sa pagamutan dahil namatay na rin ito makalipas lamang ng ilang minuto.
Narekober naman sa crime scene ang ginamit na patalim sa biktima .
Dinala ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral Parlor habang patuloy ang imbestogasyon ng pulisya sa kaso.
Rapista
ENGLISH TRANSLATION
Chinese, robbed and slashed
RTNews|July 31, 2012 12:47pm
A female Chinese national was repeatedly slashed to her neck after being robbed by two unidentified suspects while riding in a kuliglig in Binondo, Manila, [Philippines] last night, [July 30, 2012].
Senior Inspector Joey de Ocampo, chief of Manila Police District-Homicide Section, identified the victim as
Yang Lirong, 27, married, businesswoman, native of Fujian, China, and resided at 8-DCPC Building, 686 Santa Elena St., Binondo, Manila.
According to the report by PO3 Rodel Benitez, investigator, the incident occurred at around 11:15 PM last night along Muelle del Binondo, near San Nicolas streets, of the said place.
The victim rode in kuliglig (tricycle) first to visit her friend at Chinatown Steel Tower which is located at Asuncion St., Binondo.
Upon reaching along Muelle del Binondo near Nicolas St., the driver and his partners stopped their kuliglig at a vacant lot which is covered with two parked vehicles.
That is where they started to rob the victim while aiming her with the sharp object.
But, the suspects were not contented, and they slashed the victim's neck and left her on a cemented road.
Security guard on-duty Arnold Terceno was several meters away from the place of incident when he noticed the confrontation.
Terceno yelled at the suspects, so they immediately escaped with the kuliglig and the victim was left dying.
Terceno was not able to rushed her to the hospital because she died after several minutes.
The sharp object that was used to kill the victim was recovered from the crime scene.
The victim was brought to Cruz Funeral Parlor while the police investigation is ongoing regarding the case.
Rapista