Sa Mahal na Pangulo Rodrigo Duterte:
Mahal naming Pangulo ako po ay nananawagan at kumakatok sa inyo na bigyan po ng pansin ang ginawang brutal na pagpatay sa aking nakababatang kapatid na si JOSEPH GALANG DE JESUS. Isa po siyang OFW sa Australia at umuwi lamang po para bumisita at makasama ang kanyang pamilya. Siya po ay nilapitan ng mga tatlong taong ito habang sya ay nakatayo sa harap ng aming tahanan at walang awang pinagbubugbog sa ulo ng mga tatlong tao na ito na mga nagngangalang Gerome F. Esguerra, Joseph Alberto S. Diaz at Vic D. Miranda. Nakakalungkot at nakakasindak pong isipin na personal Kong nasaksihan ang walang awang pagpatay sa aking kapatid sa harap ng kanyang asawa, anak, mga kapatid at ng aming ina. kasama din pong nakasaksi ang mga tao sa aming sitio dito po sa Paralaya San Juan, Apalit Pampanga. Mahigit isang buwan na po ang nakalilipas at ginawa na po namin ang lahat ng nararapat naming gawin pero wala pa po nangyayari sa kaso ng aking kapatid. Patuloy pa pong nagtatago at nakakalaya ang mga taong pumaslang sa kapatid ko.
Sana po sa pamamagitan ng Facebook at social media ay maipaabot po namin ang aming problema. Humihingi lamang po kami ng Hustisya sa hindi makatarungang pagpaslang sa aming kapatid.
Sa mga makakabasa po nito nakikiusap po ako na ibahagi at maiparating po sa ating Mahal na Presidente. Maraming salamat po.
ENGLISH TRANSLATION
To Our Beloved President Rodrigo Duterte:
Our Beloved President, I am calling and knocking to give attention to the brutal murder of my younger brother, JOSEPH GALANG DE JESUS. He was an OFW (Overseas Filipino Worker) in Australia and he returned to visit and reunite with his family. He was approached by three men while he was standing in front of our house and three men, namely Gerome F. Esguerra, Joseph Alberto S. Diaz and Vic D. Miranda, brutally beat him in the head. I think it was sad and shocking that I personally witnessed the brutal murder of my brother in front of his wife, child, siblings and our mother. My neighbors around the village also witnessed it here at Paralaya [St.], [Brgy.] San Juan, Apagalit, Pampanga. It has been over a month and we did the right thing but nothing happened to my brother's case. The men who murdered my brother continue to hide and remain free. Using Facebook and social media, please reach our problem. We need Justice for the unjustifiable murder of our brother.
To those who read this, I ask to share and reach to Our Beloved President. Thank you very much.
This was Joseph's Facebook account:
https://www.facebook.com/joseph.dejesus.923